Saturday, August 1, 2009

it's our choices that define who we are.

Paano mo ba masasabing MASAYA ka?
Sa baby kasi diba, basta kasama si mommy, kontento na.
Sa isang bata, solved na sila sa simpleng candy.
Ee ikaw? Anung magpapasaya sayo? Anung candy kaya ang trip mo?

May mga nagsasabi na chocolate is the solution to depression, myself included.
I guess scientifically, may point sila. Upper kasi ang chocolate di ba?
But i doubt that chocolate will solve your dilemma. Escape lang yun. Sandaling kasiyahan. When the effects wear off, paano ka na? You can't consume all the choclate in the world. haha.

Sagot ng iba, nais nilang bumalik ang nakaraan.
miss na nila yung times na buo yung pamilya nila. Miss na ang high school. Miss na si ex, miss na si former bestfriend, miss na ang pilipinas, etcetera.
May magsasabi din diyan na good grades ang makapagpapasaya sa kanila.
Gusto nilang mapuri ng magulang.
Gustong makabili ng bagong cell phone, ng kotse, ng kung anu ano.

Oo. Ako din siguro sasaya pag nangyari yung mga yun sa akin.
(Especially yung sa grades! Haha!)

Pero alam niyo ba kung paano talaga sumaya?
Yung walang kaplastikan, hindi joke joke.
Pure BLISS?
Simple.
PILIIN mong sumaya.
Choose to be happy.
Maging kuntento ka sa kung nasaan ka, at kung sino't anu ang meron ka.
Sayang ang bawat segundong dumadaa na nakasimangot ka.

Sige ka...
Papangit ka niyan.